Pacman wala pa ring kupas, 2 beses pinataob si DK Yoo ng South Korea

Walang kupas.

Ito ang pinatunayan ng pambansang kamao Manny Pacquiao nang talunin si South Korean Martial Artist DK Yoo sa kanilang exhibition match.

Nagwagi via unanimous decision si Pacman matapos ang anim na rounds ng laban.


Muling nasaksihan ng buong mundo ang mabilis na footwork at mabibigat na suntok ng former 8 division world champion.

Sa naging laban, dalawang beses pinatumba ni Pacquiao si Yoo sa round 6.

Ang malilikom sa exhibition match ay gagamitin sa pagpapatayo ng mga tahanan ng mga biktima ng Russia-Ukraine war.

Facebook Comments