Aminado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi naging madali ang proseso para sa second trance ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.
Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, madaming hamon ang kanilang hinarap para maipamahagi ang ikalawang bugso ng ayuda.
Kabilang na rito ang pag-aadjust sa digital payout, de-duplication process at validation sa listahan na isinumite ng mga Local Government Unit (LGU).
Dahil dito, iginiit ni Bautista na napapanahon na ang pagkakaroon ng National Identification System para mas mapadali ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa ating mga kababayan.
Tiniyak naman ng kalihim na patuloy ang kanilang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya para mas mapaayos pa ang pamamahagi ng SAP.
Facebook Comments