SA ikatlong pagkakataon ay muling nagpadala ng liham ang Department of Social Welfare and Development-ARMM sa DSWD National Office.
Ito ay kaugnay ng naaantalang pag-download ng pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa naturang liham ng DSWD-ARMMM ay muling ipinaabot ng ahensya ang kahalintulad na isyu.
Ayon sa DSWD-ARMM, dama nila ang sentimiyento ng mga empleyado, dapat umanong binibigyang ng prayoridad at umaasang wala nang delays na mangyayari sa mga susunod na panahon.
Binigyang diin din ng ahensya na patuloy ang kanilang pagpupusrsige para sa transparency and accountability sa lahat ng kanilang mga hakbang.
Napag-alaman na ang pondo para sa banner programs, tulad ng 4Ps funds para sa payouts at sahod ng mga empleyado ay idinadaan pa sa DSWD national at hindi direkta sa DSWD-ARMM, sa kasalukuyan ay hindi pa naibababa ang 2018 budget sa ARMM.
DSWD-ARMM, muling nagpadala ng sulat sa national office kaugnay ng naaantalang pondo para sa 4Ps!
Facebook Comments