Mga rekisito para sa Child Friendly Local Governance Audit, inihahanda na ng Cotabato city government!

26

Pina-finalize la lamang ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) ang lahat ng kinakailangan para sa Child Friendly Local Governance Audit na isasagawa ngayong buwan.
Sa kasalukuyan, ay halos tapos na ang preparasyon ng local council.
Ang Child Friendly Local Governance ay bahagi din ng 7 key areas ng inaasam na Seal of Good Local Governance sa ilalim ng Social Protection.
Ang pagiging child friendly locality, ay nagpapamalas ng de kalidad na serbisyo at pagkalinga na kayang ibigay ng syudad sa mga mahinang miyembro ng komunidad-ang mga bata at kabataan.
Nagpapakita din ito na ang lokal na pamahalaan ay nagagawang palaganapin ang proteksyon at kapakanan ng mga bata.

Facebook Comments