DSWD at DOE, nanindigan na dapat patunayan ni Senator Manny Pacquiao ang kaniyang mga alegasyon ng korapsyon

Muling nanindigan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bukas sila sa anumang gagawing imbestigasyon na may kaugnayan sa akusasyon ni Senador Manny Pacquiao sa umano’y korapsyon sa ahensiya.

Sa interview ng RMN Manila, nilinaw ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao na walang nawawalang pondo ang ahensiya sa ipinamahaging Social Amelioration Program kagaya ng alegasyon ni Pacquiao.

Aniya, hindi lamang naman ang e-wallet service na StarPay ang ginamit ng mga benepisyaryo para makuha ang kanilang ayuda kung kaya’t ito rin ang dahilan kung bakit kaunti ang bilang ng mga nag-download ng application.


Samantala, hinihintay lamang ng Department of Energy (DOE) ang gagawing imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa akusasyon ni Pacquiao sa kanilang ahensiya.

Ayon kay Energy Undersecretary Emmanuel Juaneza, dapat patunayan ni Pacquiao ang kaniyang alegasyon sa DOE.

Matatandaang noong Sabado ay tatlong ahensiya ang pinangalanan ni Pacquiao na sangkot sa mga korapsyon kabilang ang DSWD, DOE at Department of Health.

Facebook Comments