Nabigo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maabot ang target deadline sa pamamahagi ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa 17 million low income families.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, nitong Hulyo 31 sana ang target deadline nila sa pamamahagi ng ikalawang ayuda pero posibleng abutin ito hanggang Agosto 15, 2020.
Aniya, isa sa rason sa mabagal na pamamahagi ng SAP ay dahil ang karamihan sa mga benipisyaryo ay nakatira sa mga liblib na lugar na mahirap maabot.
Sa ngayon, umabot lang sa 8,405,298 low-income na pamilya ang nabigyan ng ikalawang bugso ng SAP na nagkakahalaga ng ₱55.1 bilyon.
Facebook Comments