DSWD, binigyang linaw ang poor liquidation ng disaster fund noong 2016

Isa-isang sinagot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga isyu na nasilip ng Commission on Audit (COA) sa kinukuwestyon na paggamit ng disaster funds.

Sa isyu ng emergency shelter assistance fund para sa mga biktima ng bagyong Nina noong 2016, aminado ang ahensya na nasa mahigit P212 million ang hindi pa liquidated mula sa P1.49 billion.

Sa isang kalatas, sinabi ng DSWD, nasa proseso na aniya ng pagtatanong ang ahensya sa mga kaukulang disbursing officers para maisumite ang mga liquidation documents.


Liquidated naman na noong April 30, 2018 ang mahigit P19 million na pondo na ginastos ng Office of the Secretary.

Kasalukuyan na rin ang inventory sa CARAGA ng P37.93 million na welfare goods na hindi umano suportado ng dokumento.

Sa usapin naman ng mahigit P201 million na hindi umano suportado ng supplies ledger cards, kasalukuyan nang sinusuri ng kaukulang DSWD-Field Office ang records sa accounting at supply units. Ang report sa imbentaryo ay ilalabas bago matapos ang buwang kasalukuyan.

Nauna nang pinaimbestiga ni Secretary Rolando Bautista ang COA findings at nangako ang bukas na paggastos sa pondo ng ahensya.

Facebook Comments