Bumuo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng isang inter-agency body na magkakaloob ng aftercare, reintegration at transformation support para sa mga papagaling na drug dependents.
Ipinatupad na ito ngayon ng DSWD Field Office 10 kasunod ng paglagda nito sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa mga regional government agencies.
Sa ilalim ng MOA, pag-iisahin o iko-consolidater ng Technical Working Group (TWG) ang lahat ng hakbangin ng mga regional agencies para epektibong maipatupad ang aftercare programs para sa mga recovering drug dependents at ng kanilang mga pamilya sa Region 10.
Ang pagbuo ng Regional TWG ay inisyatiba ng ahensya upang makatulong sa anti-illegal drug campaign ng gobyerno.
Kabilang lamang sa mga makakatuwang na ahensya ng DSWD ay ang Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd), Department of Justice (DOJ), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Philippine Sports Commission (PSC) at iba pa.