DSWD Central Office sa QC, isasailalim sa tatlong araw na lockdown

Isasailalim sa tatlong araw na lockdown ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado ng DSWD Central Office.

Magsisimula ang lockdown bukas, March 19 at magtatagal hanggang March 21.


Layon nito na bigyang daan ang disinfection sa central office building at makapagsagawa na rin ng contract tracing.

Facebook Comments