Mga aktibidad sa pagreretiro ni Chief Justice Peralta, nais ituloy sa kabila ng pagpositibo sa COVID ng ilang tauhan ng Korte Suprema

Nais ni Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado Peralta na ituloy ang group photo nito bukas sa mga mahistrado.

Ito ay sa kabila ng ilang empleyado at tauhan ng Korte Suprema ang nagpositibo sa COVID-19 kabilang na ang napaulat na isang mahistrado.

Sa kanyang dalawang pahinang liham kay SC Public Information Chief Atty. Brian Keith Hosaka, nais nitong makadalo sa group photo ang 14 na Associate Justices.


Bukod dito, magkakaroon din ng Special Flag Ceremony ang Supreme Court sa Lunes na siyang magiging huling flag ceremony ni Peralta.

Sa nasabing flag ceremony, inaasahang bibigyan siya ng parangal at pagkilala ng mga opisyal at empleyado ng Korte Suprema.

Facebook Comments