DSWD Crisis Intervention Section sa Sampaloc, Maynila, dinagsa ng mga nais makahingi ng tulong

Sobrang haba na ng pila ng mga naia makahingi ng tulong sa taggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Crisis Intervention Section sa Sampaloc, Maynila.

Mula pa kahapon ng hapon ay may mga nakapila na kung saan dito na sila nagpalipas ng gabi.

Mula sanggol hanggang sa nakatatanda maging ang mga person with disabilities (PWDs).


Lahat ay nais humingi ng tulong mula sa fianancial, educational, burial, medical at iba pa.

Base naman sa mga bantay ng DSWD Crisis Intervention Section, nasa 300 lamang ang mabibigyan ng stub o number kung saan ang maabutan ng cut-off ay pinapayuhan na bumalik na lamang.

Bawat isa ay may mga nakahandang dokumento pero wala naman kasiguraduhan kung mabibigyan agad sila ng kaukulang tulong dahil dadaan pa sila sa mahabang proseso.

Nagmula naman ang mga indibidwal na nagtungo dito sa iba’t ibang barangay sa Maynila gayundin sa ibang lungsod kung saan dito sila itinuro para makakuha ng tulong.

Facebook Comments