Dumipensa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa nasilip ng Senado na hindi nagastos o nagamit na P83 billion na budget nito para sa taong 2020.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, ang nasilip na balanse ay nakareserba sa implementasyon ng iba’t ibang programa at activities ng ahensya para sa nalalabing buwan ng kasalukuyang taon.
Ani Dumlao, kabilang sa mga pinaglalaanan nito ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na may pondong P48.3-B.
P40-B naman ay inilaan sa mga cash grants, para sa fixed at mandatory expenses at program operational costs.
Dagdag ni Dumlao, dahil suspendido ang klase noong August hanggang September, hindi naipamigay ang P7.69-B na para sa educational grants.
Inaantay naman ng DSWD ang pag-apruba ng Department of Budget and Management (DBM) sa hiling nitong modification ng P7.69-B para sa 4Ps at gamitin para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa anyo ng educational assistance.
Php2.1-B naman ay nakalaan sa Supplementary Feeding Program for Children na downloaded na sa mga Field Offices.
Ang iba pang balanse ay halos obligated na rin bago magtapos ang taong 2020