Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 na hindi na ito tatanggap ng aplikasyon para sa Educational Assistance.
Ito ay dahil sa hindi na sapat ang nakalaang pondo para sa lahat ng nag-apply.
Sa datos ng kagawaran, pumalo na sa 319, 612 ang aplikante ng programa sa buong Ilocos Region kung saan 29, 901 na estudyante na ang nabigyan ng ayuda.
Ang rehiyon ay mayroong 100, 616, 000 na allocated funds at higit 67 milyon na ang nadistribute.
Noon pang ika-9 ng Setyembre itinigil na rin ng mga City/Municipal Social Welfare and Development Office ang pagtanggap ng aplikasyon.
Ang lahat ng aplikasyon ay inipon ng ahensya at kasalukuyang nasa database ng Crisis Intervention Section na gagamiting basehan sakaling magkaroon muli ng pondo ang ahensya sa nasabing programa.
Bukod dito, hindi lahat ng mga nag-apply sa probinsya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur at Pangasinan ay mabibigyan.
Lumagpas naman na ang La Union sa nakalaan na pondo nito para sa EA kung kaya’t ang tatanggap lamang ay ang mga napadalhan ng mensahe noong August 20 at August 27 lamang.
Sa sabado, September 24 ang huling pagsasagawa ng payout ng ayuda sa Rehiyon. | ifmnews
Facebook Comments