DSWD FIELD OFFICE 1, NAGPALIWANAG SA ISYU NA DELAY NA PAGBIBIGAY NG 100K INCENTIVE SA MGA CENTENARIAN

Nagpaliwanag ang kagawaran ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 na ukol sa nadedelay umano ang pagbibigay nito ng 100,000 incentive sa mga centenarian ng rehiyon.
Sa isang panayam, sinabi ni Baby Jane Donado, PDO II Centenatian Focal, sa kasalukuyan mayroong 138 na pending na aplikasyon ang kagawaran para sa nasabing programa.
Ilan sa mga dahilan ay dahil sa kulang ang ibinabang pondo mula sa Central Office kung kaya’t muli itong nagrequest ng pondo, kulang ang requirements na ipinasa ng isang nag-apply sa programa at ang panghuli ay ang paiba-ibang datos.

Sinabi din ni Donado na pumalo na sa 1, 272 na senior citizen sa rehiyon ang nakatanggap ng 100,000 cash grant simula pa noong magsimula ang programa noong 2016.
Ayon sa ahensya, ang nasabing cash grant ay alinsunod sa Republic Act 10868 o centenarian Act of 2016.
Samantala, pumalo naman na sa 206, 074 ang bilang ng mga social pensioners sa buong rehiyon na nabigyan ng social pension na layuning matulungan ang mga lolo at lola sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan. |ifmnews
Facebook Comments