DSWD, handa pa rin suportahan ang mga nagtapos na benipisyaryo ng 4Ps

Muling iginiit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakahanda pa rin silang suportahan ang mga magsisipagtapos na benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ito’y matapos na lumabas sa resulta ng revalidation ng DSWD na ilan sa mga benipisyaryo ay nananatili pa rin mahirap o walang pinagbago ang kanilang pamumuhay.

Sa isang nayam kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, may ilang program at serbisyo sIlang inilatag para magabayan at maalalayan ang mga nagsipagtapos sa 4Ps.


Bagama’t hindi lahat maipapasok ang mga nagsipagtapos o magtatapos na 4Ps ay maaari pa rin maisailalim sa Food Stamp Program (FSP) lalo na ang mga tinatawag na poorest of the poor.

Ilan rin sa mga programa na pwedeng i-avail ng mga 4Ps graduates ay ang Sustainable Livelihood Program (SLP) at Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.

Bukod dito, i-eendorso rin ng DSWD ang magtatapos sa 4Ps sa kani-kanilang Local Government Units (LGU) upang malaman kung ano pang tulong o suporta ang maaari nilang maibigay.

Matatandaan na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay una ng inihayag na mahalaga ang ipinapatupad na 4Ps para matugunan ang mga pangangailangan ng mga mahihirap na pamilya sa bansa kung saan paraan din ito upang maibsan ang kagutuman at malnutrisyon.

Facebook Comments