Nagsasagawa na ng koordinasyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang tanggapan para sa ikalawang bahagi ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, nakikipagtulungan sila sa Commission on Audit (COA) para mabawasan ang financial documents na nire-require mula sa mga ahensya at Local Government Units (LGU) para sa liquidation ng mga pondo.
Kailangan din nila ang suporta mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para mapabilis ang pamamahagi ng cash aid.
Sinabi ni Bautista na may papel pa rin ang mga LGU sa second phase ng implementation ng SAP at ito ay ang pagbibigay ng logistical at health assistance.
Sa ilalim ng second tranche, ang pondo ay hindi na ihuhulog sa mga LGU dahil mismo ang DSWD na ang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na manguna sa programa.