Cashless payment sa mga taxi, bus at modern jeep, magiging ‘new normal’ ayon sa DOTr

114

Magpapatupad ang Department of Transportation (DOTr) ng digital payment scheme o cashless transactions sa ilang pampublikong transportasyon bilang paghahanda sa ‘new normal’.

Ito ay kasabay ng pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila simula June 1, 2020.


Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, sakop ng bagong sistema ng pagbabayad ng pamahase ay mga taxi, bus, at modernong jeepney.

Sinabi ni Tugade na isang “card system” ang ipapatupad.

Bukod dito, sinabi rin ni Tugade na ang ride-hailing service na Grab ay papayagan na sa ilalim ng GCQ.

Facebook Comments