Manila, Philippines – Hindi na tumatanggap ang Department of Social Welfare and Development ng mga use clothing na ibinibigay ng ating mga kababayan sa mga biktima ng giyera sa Marawi City.
Base sa Memorandum Order ng DSWD pinagbabawalan ng tumanggap ng mga use clothing o lumang damit ang ahensya para maseguro na malinis at walang nakahahawang sakit ang mga lumang damit.
Ayon kay Admin Officer 5 Donation Head Elma Pille, layon ng Memorandum Order ay upang matiyak lamang na hindi mahahawa ng anumang sakit sakaling mayroong mga nakahahawang sakit ang may suot nito.
Pakiusap ni Pille sa publiko na nais tumulong o magbigay ng donasyon sa mga biktima ng giyera sa Marawi City na tiyaking bago ang kanilang ibibigay na mga damit.
DZXL558
Facebook Comments