Lalaking inakusahang nagnakaw, patay nang pagsasakin

74

General Santos City – Tumbok na ng pulisya ang motibo ng pananaksak biktima na si Randy Floresca, residente ng Park Maunlad, Barangay Silway 8, Polomolok, South Cotabato na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Nasaksak ng suspek na si Gregorio Siason, alias Digul, residente ng nasabing Barangay ang biktima matapos silang magtalo dahil narin sa tools na kinuha umano ng biktima mula sa suspek.


Napag-alaman na inakusahan ng suspek ang biktima na kumuha ng tools nito bagay na inamin naman ng biktima.

Pinilit kuhanin ng suspek ang nasabing tools pero walang maibigay ang biktima kaya nangyari ang pagtatalo sa pagitan ng dalawa na naging sanhi ng pananaksak na naging dahilan ng kamatayan nito.

Agad na tumakas ang suspek at patuloy pang pinaghahanap ngayon.
Kasong Homicide ang kakaharapin ng nasabing suspek matapos ng krimen na kanyang ginawa.
DZXL558

Facebook Comments