Manila, Philippines – Katuwang ngayon ng Department of Health (DOH) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagtulong sa pagpapalaganap ng prevention campaign kontra tigdas.
Pinakilos ng DSWD ang lahat ng mga field offices na pangunahan ang kampanya.
Isa na ngayon sa mga compulsory activity sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra tigdas.
Agad namang kumasa sa hamon ang mga parent-beneficiaries.
Palalakasin din ng ahensya ang pagsasagawa ng mga Family Development Sessions (FDS) sa parent-beneficiaries upang ipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapabakuna.
Ang FDS ay isang compulsory psycho-social and education intervention activity sa ilalim ng 4Ps na may layuning tulungan ang mga beneficiaries na mapaunlad ang kanilang parenting capabilities.
Ang DSWD-Program Management Bureau ay inatasan naman na umalalay sa mga daycare workers sa paghimok sa mga bata na magpabakuna sa mga health centers.