Ikinatuwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapalabas ng Malakanyang ng Executive Order (EO) No. 52, na naglalayong gawing institutional at palawakin ang Pag-Abot Program ng ahensya.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang pagpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa EO No. 52 ay naglalayon na bumuo ng isang Inter-Agency Committee (IAC) para sa pagpapalakas at pagpapabilis ng serbisyo ng Oplan Pag-abot.
Ito’y naglalayong matulungan ang marami pang mamamayan na nangangailangan ng kalinga ng pamahalaan.
Samantala, ang ahensya mismo ang magsisilbing inter-agency committee habang ang Department of the Interior and Local Government ang siya namang tatayo bilang vice chair ng programa.
Facebook Comments