Monday, March 16, 2026

DSWD, inilabas na ang mga payout sites para sa pamamahagi ng cash aid assistance sa PUV drivers

Inilabas na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa 30 payout sites sa buong National Capital Region (NCR) para sa isasagawang cash aid distribution sa mga tricycle drivers bukas, March 17.

Bunsod ito sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan.

Sa inilabas na listahan ng DSWD, Quezon City ang may pinakamalaking payout kung saan anim na payout centers ang itinalaga.

Sabay-sabay ang gagawing payout kung saan target na mabigyan ng tulong ang nasa 1,000 na benepisyaryo kada payout sites.

Para agad na matapos ang distribusyon sa nasa 139,000 trike drivers sa Metro Manila.

Inaasahan ni DSWD Sec. Gatchalian na magiging mabilis ang proseso ng payout bukas.

Dagdag pa niya na ang mga lokal na pamahalaan na ang bahala sa pagskedyul sa mga driver.

Dahil dito, pinaalalahanan ang mga driver na sundin ang ibibigay na skedyul ng payout mula sa Local Governmnent Unit (LGU) upang hindi maantala ang kanilang pamamasasa.

Nasa 700 million pesos mula sa AICS ang pondong inilaan sa naturang payout kung saan tatagal ito hanggang huwebes.

Tiniyak naman ni DOTr Sec. Giovanni Lopez na kanila nang kinukumpleto ang listahan ng iba pang apektadong PUV drivers.

Kung saan posible nang isunod sa susunod na mga araw ang mga jeepney drivers sa NCR.

Facebook Comments