Magdadagdag pa ng evacuation centers ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga naunang hard-hit areas ng serye ng lindol sa Mindanao ngayong holiday season.
Bukod dito, dadagdagan din ng Disaster Response and Management Division ng DSWD ang deployment ng mga camp managers mula sa field staff nito.
Sa Davao del Sur partikular sa bayan ng Matanao at Padada, tuloy-tuloy na ang relief operations ng DSWD sa mga apektadong pamilya.
May kabuuan pang 10,775 family food packs na nagkakahalaga ng P4.2 million ang handa nang ipamahagi sa mga pamilya bukod pa ang P4.045 million food items at P6.7 million non food items na ready din for distribution.
Pagtiyak pa ng DSWD na mayroon pa itong P 6 million 644,000 na standby funds at stockpile ng food at non food items na higit pa sa P 15.018 million.