DSWD, magsusumite ng datos para sa mga taong ipaprayoridad sa COVID-19 vaccination

Nakatakdang magpasa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Task Force on Vaccination Program ng kinakailangang datos na magsisilbing basehan para sa pagtukoy ng mga makatatanggap ng COVID-19 vaccination rollout.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ang lahat ng kinakailangang paghahanda ay nakalatag na para sa mga ipaprayoridad na mabakunahan.

“Nagprepare na rin kami dahil sa miyembro kami ng National Task Force on Vaccination Program. Biningyan kami ng task dun  at ibibigay po namin ang mga datos na ibibigay namin sa task force para magiging basis sa mga bibigyan ng prayoridad sa vaccination,” sabi ni Bautista sa Laging Handa Public Briefing nitong Lunes.


Matatandaang ang DSWD ang inatasan na abisuhan ang mga “undeserved” communities hinggil sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Facebook Comments