Economic essential workers, target mabakunahan sa 2nd quarter ng taon – Galvez

63

Target ng pamahalaan na mabakunahan sa second quarter ng 2021 ang economic essential workers.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang mga economic frontliners ay kabilang sa mga ipaprayoridad ng gobyerno sa COVID-19 immunization drive.


Inirekomenda rin aniya ng Metro Manila mayors na isama ang economic frontliners sa mga dapat unang mabakunahan.

Ang mga empleyado sa food industry, social services at life support services ay kabilang sa economic essential workers.

Facebook Comments