Pumalo na sa 236,798 na indibidwal ang naapektuhan ng magnitude 7.4 na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, katumbas ito ng 56,634 na pamilya na naapektuhan sa CARAGA Region.
Paliwanag ng DSWD na aabot sa 84 na bahay ang nasira habang 439 naman ang bahagyang napinsala ng lindol.
Tiniyak naman ng DSWD na mayroong sapat na tulong na maaaring maipaabot sa mga naapektuhan ng malakas na lindol.
Sa kasalukuyan ay nasa P2.8 billion ang halaga ng relief resources na mayroong nakahanda ang DSWD.
Sa nabanggit na bilang na P86 million ang halaga ng standby fund habang nasa P2.8 billion ang halaga ng food and non-food items.
Facebook Comments