PHIVOLCS: Bilang ng aftershocks ng lindol, patuloy na tumataas sa Surigao del Sur

Patuloy na tumataas ang bilang ng aftershocks na naitatala matapos ang 7.4 magnitude na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Base sa talaan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, umaabot na sa 1,583 ang naitalang aftershocks.

Nasa 324 ang plotted habang nasa 18 naman ang naramdaman.


Ayon sa PHIVOLOCS, naglalaro sa 1.4 hanggang 6.6 Magnitude ang naitalang aftershocks.

Lalo pa umanong darami ang maitatalang aftershocks habang lumilipas ang mga araw.

Facebook Comments