Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magkaloob ng assistance sa mga refugees sa Ukraine.
Alinsunod na rin ito sa Executive Order (EO) 163 ni Pangulong Rodrigo Duterte o ang “Institutionalizing Access to Protection Services for Refugees, Stateless Persons, and Asylum Seekers”.
Sa ilalim ng EO, magkakaroon ng Inter-Agency Committee on the Protection of Refugees, Stateless Persons and Asylum Seekers na inaatasang magkaloob ng serbisyo o bigyan ng access ang mga refugees sa mga government programs.
Kabilang dito ang health services, social protection programs, access to education, legal assistance, employment.
Ang EO ay maituturing na milestone o pinakamakasaysayang polisiya.
Ito’y sa dahilang, hindi lang nito binubuksan ang bansa sa mga refugees kundi, matingkad dito ang pagbibigay ng provision of services sa mga target beneficiaries.
Nilinaw ng DSWD, na bagama’t nakahanda ang bansa na tatanggapin ang mga refugees ng Ukraine sa bansa, ito ay dadaan pa rin sa pag-aapruba ng Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang concerned agencies ang mga preparasyon sa pag-assist sa mga incoming refugees.