Susunod na alert level sa bansa, bukas pa iaanunsyo ng IATF

Bukas pa ng hapon maiaanunsyo ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang susunod na alert level sa buong bansa para sa March 15 hanggang 31.

Batay sa abiso ng Malakanyang, bukas din ng gabi isasagawa ang Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte nakaraniwang ginagawa tuwing Lunes.

Tatalakayin dito ang kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa at ang mga paghahanda sa kaling ipapatupad ang Alert Level Zero.


Inaasahan ding mapag-uusapan ang update hinggil sa patuloy na pag-taas sa presyo ng produktong petrolyo at ang mga hakbang ipinatutupad ng pamahalaan para dito.

Facebook Comments