Makikipagtulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Kongreso para mapataas ang kalidad ng serbisyo sa mga indigents at underprivileged.
Ayon kay DSWD Undersecretary Rowena Nina Taduran, ang mga priority legislative agenda ng 19th Congress na makakatulong sa mga proyekto ng DSWD ay ang:
• Social Welfare and Development Agencies Bill
• Public Solicitation Bill
• Community-Driven Development Institutionalization Bill
• AICS Bill
• Magna Carta of Child Development Workers Bill
• Amendments to the 4Ps Law
• Magna Carta for Public Social Workers
Nangako rin si Taduran na tutukan nila ang ilang isyu ng mga mambabatas kaugnay sa pagbibigay assistance ng ahensya sa kanilang mga nasasakupan.
Binigay din ng opisyal ang mga DSWD contact person sa bawat rehiyon sa bansa para mas mabilis ang koordinasyon.