Tutulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magkaroon ng school supplies ang mga indigent na mga estudyante o ang mga mahihirap na estudyante.
Ito ay sa harap na rin pagbubukas ng klase sa Lunes, August 22, 2022.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na mayroong ₱500-M pondo na inilaan ang DSWD para sa education assistance sa mga mahihirap na estudyante.
Inutos na aniya sa kaniyang mga tauhan sa mga regional, provincial at satellite office na pumasok simula sa darating na Sabado para ipamigay ang cash assistance na magtatagal hanggang September 24.
Aniya 6 na Sabado gagawin pamimigay, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Kailangan aniyang dalhin ang enrollment certificate at school ID.
Benepisyaryo nito ay mga nag-aaral sa elementarya na tatangap ng ₱1000, sa highschool ₱2000, sa senior high school ₱3000 at ₱4000 sa estudyante ng vocational course.
Pero bawat pamilya aniya ay dapat tatlo lamang ang magiging benepisyaryo.