Lalaking dinukot sa Taal Batangas, natagpuang patay sa Quezon

1320
Photo Courtesy: Sariaya Police

Patay na nang matagpuan ang isang lalaking dinukot sa gasolinahan sa Batangas.

Sa report mula kay Taal Police Chief Police Major Dante Majadas na nakarating sa Kampo Krame, pinaniniwalaang miyembro ng Bukas Kotse Gang ang lalake at kalauna’y natagpuang patay sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Eugene Beltran del Rosario na nakitang nakahandusay sa gilid ng Eco-Tourism Road kaninang umaga.


Nakatali ang 2 kamay nito at nakabalot pa ng packaging tape ang buong ulo.

Lumabas sa kanilang paunang imbestigasyon na hindi sa Sariaya, Quezon pinatay ang biktima kundi sa ibang lugar at itinapon lamang umano ang bangkay sa naturang bayan.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng krimen.



Facebook Comments