DSWD, mas paiigtingin ang mga hakbangin para mapigil ang pagsasanla ng mga beneficiary sa kanilang cash cards

Manila, Philippines – Paiigtingin pa ng DSWD ang mga hakbangin nito para mapigil ang mga beneficiary ng 4P’S o Pantawid Pamilya Pilipino Program sa pagsasanla ng kanilang cash cards.

 

Nadiskubre ng DSWD sa isinagawang kamustahan cash card campaign na 15 mula sa 16 na beneficiary sa Caloocan at Valenzuela ang nagsanla ng kanilang 4P’S cash cards.

 

Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, layon ng kampanya na i-check at i-validate ang mga report hinggil sa mga isinasanlang cash cards at magkaroon din ng awareness sa parusang kakaharapin ng beneficiary na gumawa nito.

 

Dagdag pa ni Taguiwalo, nagsimula ang kampanya sa unang bahagi ng 2017 para mabatid ang estado ng 4P’S beneficiaries at tutukan ang report hinggil sa mga isinanlang cash cards.

 

Ipinabatid ni Taguiwalo na mula 2011 hanggang February 2017 mahigit 3,000 ang kaso ng mga isinanlang cash cards sa buong bansa.



Facebook Comments