Suspek sa pagpatay sa isang alkalde sa Cagayan, nadakip ng pulisya

38

Manila, Philippines – Nadakip na ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa isang alkalde sa Cagayan.

 

Kinilala ang naaresto na si Eustaquio Agtarap Dingil batay na rin sa inisyung arrest warrant ng Tuao, Cagayan RTC.

 

Si Dingil ang siyang itinuturo sa pagpaslang noong 2008 kay Rizal Mayor Raul Dela Cruz at tatlong aide nito gayundin sa pagpatay kay Edwin Gannaban, barangay chairman sa barangay Pasingan sa bayan din ng Rizal noong 2013.

 

Inaresto si Dingil matapos dumalo sa pagdinig sa Manila RTC ng kasong isinampa laban sa kaniya ng kaniyang live in partner na binubugbog at pinapalo nito ng baril tuwing nalalasing.



Facebook Comments