DSWD, may paalala sa mga magsasagawa ng Christmas caroling

Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na doblehin ang pag-iingat sakaling magsagawa ng Christmas caroling.

Ayon sa DSWD, kailangang tiyakin ng mga magulang o guardian na sumusunod ang mga bata sa health protocols at panuntunan ng lugar depende sa alert level status.

Maliban sa caroling, hinimok din ng ahensya ang mga organisasyon o grupo na magsasagawa ng gift giving o medical mission ngayong panahon ng Kapaskuhan na makipag-ugnayan muna sa lokal na pamahalaan.


Anila, mahalaga ang hakbang na ito upang maiwasan ang banta ng hawaan ng COVID-19.

Una nang inihayag ng otoridad na papayagan ang Christmas caroling sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 pababa.

Facebook Comments