Mga presidential aspirant, handang sumailalim sa drug test

Nanindigan ang ilang presidential aspirant na handa silang sumailalim sa drug test.

Ito ay matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isang kandidato sa pagkapangulo ang gumagamit ng cocaine.

Ayon kay Senator Christopher “Bong” Go, kahit saan o kahit kailan ay handa siyang magpa-drug test.


Habang inihayag ni Senator Panfilo Lacson na tumatakbo ring pangulo, na natitiyak niya ng 1,000 percent na hindi siya ang tinutukoy ni Pangulong Duterte.

Inihayag din ni Senator Manny Pacquiao ang kanyang pagsang-ayon sa nasabing drug test kung saan inirekomenda pa niyang mas magandang gamitin ang hair follicle para mas sigurado.

Pabor din si Vice President Leni Robredo sa mungkahing ito.

Samantala, ipinagkibit balikat na lamang ng kampo ni dating Senator Ferdinand Bongbong Marcos ang sinabi ng pangulo at igiiniit na mataas ang respeto niya rito.

Facebook Comments