Tuloy-tuloy ang tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng naranasang Shearline nitong buwan ng Nobyembre sa Eastern Visayas.
Ayon sa DSWD, umabot na sa 236,791 na food packs ang kabuuang naipaabot sa mga pamilyang naapektuhan mula nang simulan ang pamamahagi nito ito ng ahensiya
Kung saan umabot sa 8,145 na mga family food packs ang pinakahuling ibinigay na tulong kung saan karamihan dito ay ipinaabot sa mga biktima mula sa Samar Provinces.
Samantala, tiniyak naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pagpapatuloy na pamamahagi ng tulong sa mga biktima.
Facebook Comments