Mga pinalayang Pilipino hostages sa Israel, sumasailalim din sa psychological first aid

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Israel na sumailalim na rin sa psychological first aid at counselling ang mga pinalayang Pinoy hostages sa Gaza.

Ayon sa embahada, maging ang Pinoy survivors sa Hamas attacks ay sumasailalim din sa counselling dahil sa sinapit nilang trauma.

Personal din na tinanggap ni Ambassador Pedro “Junie” Laylo, Jr., ang team mula sa Operation Blessing Foundation Philippines na nakabase sa Israel.


Kabilang ang naturang grupo sa nagbibigay ng assistance sa mga Pilipinong naapektuhan ng Israel-Gaza conflict.

Facebook Comments