DSWD: Naapektuhan ng through ng LPA sa Mindanao, umabot na sa 1.6-M individuals

Umabot na sa 1.6 na milyong indibidwal o 451,089 families ang naapektuhan ng through ng low pressure area sa Mindanao.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 5,017 families ang namamalagi sa 89 evacuation center.

Habang nasa 78,259 families o 297,118 individuals ang nakikisilong sa kanilang mga kaanak.


Umabot naman sa 655 ang nawasak na mga bahay habang nasa 937 ang bahagyang napinsala dahil sa through ng LPA.

Nasa kabuuang P189 million naman ang naipagkaloob na humanitarian assistance ng DSWD at iba pang mga ahensya ng gobyerno sa mga biktima sa Mindanao.

Facebook Comments