DSWD, NAGBABA NG BAGONG DIREKTIBA TUNGKOL SA SOCIAL PENSION NG MGA SENIOR CITIZENS

CAUAYAN CITY – Mula sa “semestral” na pamamahagi ng pensyon sa mga senior citizens ay nagbaba ng bagong direktiba ang DSWD para gawin na itong kada-kwarter.

Sinabi ni DSWD Region 2 Regional Director Lucia Alan na maganda ang nasabing pagbabago sa pagbibigay ng pensyon dahil mas magiging mabilis ang paghahatid nila ng tulong pinansyal sa mga senior citizens.

Nilinaw naman ng DSWD na hindi na P6,000 ang tinatanggap ng mga benepisyaryo dahil ang naturang halaga ay para lamang sa nakaraang semestral payout, simula Enero hanggang Hunyo taong kasalukuyan.


Bagkus ay P3,000 ang kasalukuyang tinatanggap ng mga benepisyaryo simula noong buwan ng Hulyo hanggang Setyembre, maging sa Oktubre hanggang Disyembre.

Facebook Comments