Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa publiko na mag-ingat sa kumakalat na link kapalit ang P7,000 na Christmas gift.
Ito ay para maiwasan mabiktima ang publiko sa scam na dala nito.
Ang nasabing link ay naglalaman ng survey questionnaire kung saan ay pagkatapos masagutan ito ay makatatanggap umano ng christmas gift.
Dahil dito, nanawagan ang ahensya na i-report ang mga kahina-hinalang post at idulog sa kanilang communication channels upang makumpirma kung totoo ito.
Facebook Comments