DSWD, nagbabala sa panibagong fake post kaugnay sa pamamapahagi ng ayuda

Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko sa panibagong fake post na kumakalat sa social media kaugnay sa pamamapahagi ng ayuda.

Ayon sa DSWD, nagmula ang post sa isang page na may pangalang “DSWD registeration”.

Hindi anila totoo ang kumakalat na impormasyon na mag-register sa isang link upang makatanggap ng 10,000 financial assistance.


Giit ng DSWD, iisa lamang ang Facebook ng ahensiya at ito ang dswdserves na may 1.1 milyong followers.

Sa ngayon, nagsasagawa na ang imbestigasyon ang DSWD sa nangyari habang payo sa lahat ng ipaabot ang concern sa hotline 8888.

Facebook Comments