DSWD, nagbabala sa publiko sa pekeng Facebook account ng ahensya

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi nila official Facebook account ang “DSWD Tulong Financial Staff.”

Paalala ng DSWD, na iwasan ang pagtangkilik sa mga pekeng social media pages.

Hinimok ng kagawaran ang publiko na magbase ng mga impormasyon sa kanilang official website at social media accounts.


Maaring bisitahin ang official website ng DSWD: www.dswd.gov.ph o sundan ang kanilang official Facebook page at Twitter account na @dswdserves.

Facebook Comments