Carrot variant na nutribun, inilunsad ng DOST-FNRI

92

Inilunsad ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) ang bagong enhanced nutribun carrot variant.

Ayon kay DOST-FNRI Director Dr. Imelda Angeles-Agdeppa, ang bagong variant ng nutribun ay mas masustansya dahil sa mas marami itong vitamin A, iron, calcium, potassium at zinc.

Aniya, ang pagkakaroon ng wastong diet ay mabisang panlaban sa COVID-19.


Tiniyak naman ni Agdeppa na walang artificial flavor at kulay ang carrot nutribun.

Hinikayat din ng DOST-FNRI ang mga manufacturers at mga lokal na bakery na gumawa rin ng nutribun na aangkop sa mga bata.

Facebook Comments