DSWD, nagbabala sa publiko vs pekeng FB pages at accounts nila

97

Muling nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na mag -ingat sa mga kumakalat na fake Facebook pages at accounts ng DSWD.

Sa isang abiso nilinaw ng DSWD na hindi nito opisyal na Facebook pages at accounts ang mga lumutang na “DSWD Foundation at DSWD Pantawid PhilHealth.”


Paalala ng ahensya sa publiko na iwasang mag- “like”at mag -“comment”sa mga post ng mga nabanggit na fake accounts.

Ayon sa DSWD ang mga indibidwal na nasa likod nito ay nagpapanggap lamang na mga taga- DSWD at hindi dapat binibigyan ng anumang impormasyon.

Hinihikayat ng DSWD ang publiko na tingnan lamang ang official Facebook page ng ahensiya at mga field offices nito para sa wastong impormasyon at anunsyo.

Ang tunay na link sa opisyal na Facebook page ng DSWD ay makikita sa link na https://www.facebook.com/dswdserves/.




Facebook Comments