Lalaki, Nagpakamatay sa Echague, Isabela

779

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang lalaki matapos nitong kitilin ang sariling buhay sa Brgy. Libertad, Echague, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Jomar Bugarin, 30 taong gulang, walang asawa, laborer, at residente sa naturang lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Echague Police Station, dakong alas 4:30 ng umaga, September 13, 2020 nang makita ng brother in-law ang nakabigting katawan ng biktima partikular sa kanilang kusina gamit ang nylon rope.

Lumabas sa pagsisiyasat ng kapulisan, mayroong mental problem ang biktima at kung nakakainom ito ng alak ay lagi nitong sinasabi na magpapakamatay ito.

Kaugnay nito, dakong alas 10:00 ng gabi noong Setyembre 12, 2020 ay nakipag-inuman sa kapit bahay ang biktima at nang makauwi sa kanilang bahay ay muli itong sumigaw na wawakasan na ang kanyang buhay hanggang sa nadiskubre na lamang kinabukasan ang nakasabit nitong katawan.

Facebook Comments