DSWD, nagdeploy ng disaster response operations team para makapagsagawa ng assessment sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette

Nagdeploy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng disaster response operations team para makapagsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis sa mga lugar na apektado ng Bagyong Odette.

Layon nito na madetermina ang lawak ng pinsala at ang kinakailangang relief response sa mga apektadong residente.

Based sa initial assessment, kabilang sa mga nagpapabagal sa response operations ay ang problema sa komunikasyon o internet connectivity issues, power outage at transportasyon ng relief goods.


Puspusan namang nakikipagtulungan ang DSWD sa mga Local Government Units (LGU) at iba pang partner agencies tulad ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), at Philippine Navy para sa monitoring at reporting ng sitwasyon ng mga apektadong pamilya at sa mabilis na paghahatid ng relief items sa mga disaster areas.

Tiniyak naman ng DSWD na nasusunod ang minimum health at safety protocols sa mga evacuation centers.

Mahigpit na ipinatutupad ngayon ang Camp Coordination at Camp Management and Protection COVID-19 Operational Guidance sa mga evacuation sites para regular na i-monitor ang health status ng mga internally displaced persons at ang pagpasok ng mga tao sa mga entrance at exit points sa mga evacuation camps.

Sa ngayon, mayroong 76,000 na pamilya o katumbas ng 304,000 na indibidwal ang nasa-temporary shelter sa may 1,200 evacuation centers in Regions 6,7,8,10 Mimaropa at Caraga.

Facebook Comments