DSWD, naghayag ng kahandaang tulungan ang mga magsasaka at manggagawang bukid sa panahon ng El Niño

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na may sapat na pondo ito at supply ng food and non-food items na handang ipamahagi sa mga maaapektuhan ng paparating na El Niño.

Partikular na tinukoy ng DSWD ang mga magsasaka at manggagawang bukid.

Kabilang ito sa tinalakay sa pulong ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kasama ang iba’t ibang field offices upang suriin ang kahandaan ng mga Regional Director para sa El Niño Phenomenon.


Tiniyak naman ng mga regional director at officers na mananatiling naka-alerto ang kanilang field offices na may sapat na pondo at imbak na pagkain.

Naka-standby rin ang Social Welfare and Development Teams sa iba’t ibang rehiyon at nakikipag-ugnayan sa mga LGU upang matukoy at matutulungan ang mga maaapektuhan ng tagtuyot.

Sa kasalukuyan, ang DSWD Central Office, ang FOs at ang National Resource Operations Center ay may mga stockpile at standby funds na umaabot sa mahigit ₱1.35 bilyon.

Facebook Comments