MALAKIHANG KAMPANYA LABAN DROGA NA BIDA FUN RUN, MATAGUMPAY NA IDINAOS

Matagumpay na idinaos ang malakihang kampanya laban droga na BIDA FUN RUN o ang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan sa Dagupan City na inilunsad ng Department of Interior and Local Government.
Nasa higit sampung libo ang naitalang nakilahok sa nasabing kampanya na nagmula sa iba’t-ibang ahensya ng lokal at national na gobyerno.
Ilang pang aktibidad ang inilunsad din kasabay ng BIDA FUN Run tulad na lamang Cool Down Session kung saan pagkatapos ng nasabing fun run ay nagkaroon ng pagsayaw ng mga kalahok na pinangunahan ng mga kawani ng BFP, PNP at BJMP.

Nagkaroon din ng parangal para sa mga runners na matagumpay na tinakbo ang nasa higit lamang kilometro.
Samantala, ang kampanya laban Droga ay patuloy pa rin at mas pinag-iigiting nito ang mga hakbangin ng tuluyang susugpo sa ipinagbabawal na gamot. |ifmnews
Facebook Comments