DSWD, nagkaloob ng cash aid sa mga repatriates galing ng Wuhan, China

Nagkaloob ng cash aide ang Department of Social Welfare and Development sa mga
repatriates galing Wuhan, China na naka kumpleto na ng kanilang
14-day quarantine dahil Sa Covid-19

Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, nakatanggap ng tig P10,000 na financial assistance ang nasa 22 na repatriates sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Ang Crisis Situation ay isang social safety net o suporta sa mga indibidwal o pamilya na kinakailangang bumangon matapos makatuwid sa hindi Inaasahang krisis sa buhay.


Maliban sa cash aid, isa isang kinausap ng mga DSWD social workers ang mga umuwing kababayan upang ma-assess ang iba pang appropriate services na ipagkakaloob sa mga Ito sa sandaling makabalik na sila sa kani kanilang mga lugar.

May hiwalay na tulong na inihahanda ang ahensya sa mga Pinoy na sakay ng Japanese cruise ship na pinauwi sa bansa.

Facebook Comments